🎹 Chordroom

Your Song Chords & Lyrics Database

Langit - Ron Henley Chords

Chords: D, Bm, G, A

More chords by Ron Henley

Genre: new age, adult contemporary, folk


[Verse]
D
Narinig ko na naman ang pangalan mo
Bm
Kapag gan'to kadilim ang araw ko, ang liwanag mo ang kailangan ko
G
Para makita ko ang nilalakaran ko
A
Patungo sa puso mo kung sa'n nais kong maging tambayan ko

[Refrain]
D
Sabi nila, langit ka, lupa lang ako
Bm
Kita ko ang sinag ng araw sa mga mata mo
G
Ngayong gabi, sa mga bituwin makikisabay ako
A
Baka sakaling pagbalik nila sa langit, mapalapit sa'yo

[Chorus]
D Bm G
Kay sarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na
A
Buti nand'yan ka, isang ngiti mo lang ay langit na

[Verse]
D
Ikaw ang bahaghari pagkatapos ng malakas na ulan
Bm
Habang ako'y nakahiga ikaw ang tanawin mula sa may damuhan
G
Ang iyong buhok ay kakulay ng kalangit ang may papalubog na araw
A
Ako ay dahan-dahang nahuhulog na parang bulalakaw

[Refrain]
D
Sabi nila, langit ka, lupa lang ako
Bm
Kumbaga hinalo mo yung kanal sa pabango
G
Ngayong gabi, sa mga bituwin makikisabay ako
A
Baka sakaling pagbalik nila sa langit mapalapit sa'yo

[Chorus]
D Bm G
Kay sarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na
A
Buti nand'yan ka isang ngiti mo lang ay langit na
D Bm G
Kay sarap tingnan ng langit kahit nakakangawit na
A
Buti nand'yan ka isang tingin mo lang ay langit na

[Verse]
D
Ang bingi nakarinig, ang bulag nakakita muli
Bm
Ang pilay ay nakalakad, ang pipi nakapagsalita, ang supot naging tuli
G
Ang pag-ibig 'pag inisip, ito ay nasa puso
A
'Pag pinuso nasa isip, masisira lang ang ulo

More Ron Henley Songs

ChordRoom - Free Guitar & Piano Chords